Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Talasalitaan

Galing sa http://tl.wikibooks.org/wiki/Ibong_Adarna/Talasalitaan

Mayroon pang iba sa libro mismo.

 

  1. Aarok – pagsukat sa lalim ng tubig gamit ang sariling katawan o ibang pansukat.
  2. Aba – pagpapahayag ng matinding damdamin.
  3. Aglahi – pangungutya o pagmamaliit ng isang lahi.
  4. Alumana – pag-aasikaso.
  5. Antak – matinding sakit mula sa natamong sugat.
  6. Armenya – bansa sa timog-kanlurang Asya na napapalibutan ng mga bansang Turkiya, Georgiya, Turkiya, Georgia, Iran at Azerbaijan.
  7. Balintuna-isang pahayag na sumasalungat sa umiiral na paniniwala.
  8. Bawa – bawal; bawas; bawat
  9. Berbanya – lugar na kathang-isip lamang ng may-akda
  10. Binabata – tinitiis na pagdurusa.
  11. Bulaos – ito ang daanan ng mga hayop tungo sa inuman at paliguan nila
  12. Bumbong – isang sisidlan nakaraniwang gawa sa kawayan.
  13. Daluhong – isang biglaang paglulusob
  14. Datay – nakaratay dahil sa sakit
  15. Dawag – baging na may maliliit, matitinik na bulaklak.
  16. Dayap – sitrus; halaman namay maasim nabunga
  17. Dumaratal – dumarating
  18. Dunong – talino o kaalaman
  19. Duruan – tusukan; tuhugan
  20. Garing – pangil ng elepante na matigas at kulay puti
  21. Gulod – mataas na pook, burol o talampas
  22. Hapag – mesa na gawa sa kawayan
  23. Hapo – paghingal dahil sa pagod
  24. Hibo – sulsol
  25. Hungkag – walang anumang laman
  26. Ihugos – ipababa ang isang bagay mula sa kinalalagyan nito gamit ang lubid.
  27. Ilog Jordan -ilog na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan. Dumadaloy ito pa-timog mula Syria.
  28. Inimbulog – pinalipad pg mataas
  29. Kaniig – taong kinakausap ng matalik
  30. Kapara – kapareho
  31. Karbungko – batong matingkad at kulay pula
  32. Karosa – malaking karwahe
  33. Katad – pinatuyong balat ng hayop.
  34. Kawasa – matatag.
  35. Kinatigan – pinanigan o kinampihan.
  36. Kinaurali – nakipagsabwatan.
  37. Kuhila – taong taksil
  38. Labaha – matalas na kasangkapan na ginagamit bilang pang-ahit ng balbas o buhok.
  39. Lango – lasing
  40. Linsad – wala sa wastong pagkakalagay o ‘di kaya ay pagkakapuwesto
  41. Luhog – pakiusap o pagsamo.
  42. Lunos – pagkaawa; hindi lumiliyab na kahoy.
  43. Magkamayaw – magkaroon ng gulo
  44. Magniig – malapit na kaugnayan ng dalawang tao
  45. Malirip – masisid nang malalim; mapagbulaybulayan.
  46. Mapugto – maputol; huminto o tumigil
  47. Mili – sapagkat
  48. Munsing-munsing – maliliit o mumunli.
  49. Muog – tanggulan
  50. Nabahaw – ang paggaling ng sugat
  51. Naduhagi – nabigo.
  52. Nagahis – nadaig ng lakas o kapangyarihan
  53. Nag-inot – dahan-dahan.
  54. Nagpisan – magkasamang manirahan sa iisang tahanan.
  55. Nagulantang – nagulat.
  56. Nakatalos – nakaunawa.
  57. Nahapis – nalungkot; naawa sa sarili
  58. Namitig – napulikat.
  59. Napaghulo – napag-isipan o nasuri
  60. Napaglining – napag-isipang mabuti; napagbulaybulayan.
  61. Natilihan – natigilan.
  62. Nilalik – bakal o kahoy na ang hubog ay pinakinis.
  63. Nagnuynoy bulay-bulayin.
  64. Natambad – nalantad
  65. Olikornyo – ibong pinangangalagaan ng tao
  66. Pagkadaop – pagkakalapat ng mga kamay tulad na lamang ng nagdarasal; pagkasanib
  67. Pantas – matalinong tao
  68. Piedras Platas – puna nalikhang-isip ng may-akda
  69. Prasko – isang bote na karaniwan ay kulay berde at nilalagyan ng tubig o alak.
  70. Renda – istrap na nakakabit sa magkabilang dulo ng bara sa bibig ng kabayo upang ito’y makontrol.
  71. Salaghati – sama ng loob.
  72. Salamisim – alaala.
  73. Saliwa – magkabaligtad na pares.
  74. Sampaga – sampaguita.
  75. Sangkalan – isang blokeng ginagamit na hiwaan.
  76. Sansalop – sukat na katumbas ng tatlong litro
  77. Sapala – imposible o hindi maaaring mangyari.
  78. Sapin-sapin – nagkapatong-patong.
  79. Simboryo – bubong nahugis kalahating bilog.
  80. Siphayo – pang-aapi.
  81. Suson – isang panloob nakasuotan
  82. Sutla – pine, makintab at malambot na sinulid o sedang gawa mula sa himaymay ng silkworm.
  83. Tabor – bundok sa Hilagang Israel malapit sa Nazareth na may 1,929 talampakan ang taas.
  84. Tinangisan – pag-iyak dulot ng matinding pagdadalamhati.
  85. Tinitikis – sinasadya
  86. Tumalima – sumunod
  87. Tumok – ang malagong pagtubo ng dame
  88. Ukilkil – panggigiit
  89. Umugin – bugbugin
  90. Uslak – hangal; tanga

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s