Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 3- Hamon kay Pedro

Si Don Pedro ay naglakbay gamit ng isang kabayo ng tatlong buwan. Pumunta siya sa itaas ng isang bundok ngunit namatay ang kanyang kabayo. Naglakad nalang siya papunta sa Bundok Tabor. Pagkarating niya sa Bundok Tabor, may nakita siyang isang napakabrilyanteng puno. Pumunta siya sa ilalim nito upang maghinga. Naisip niya kung ito nga ang Piedras Platas. Pagkababa ng araw, dumating at nagliparan ang maraming mga ibon. Hinanap ni Don Pedro kung alin sa mga iyong ang Ibong Adarna. Habang nangyayari iyon, walang pumupunta sa punong ginagamit niya. Sinabi ni Don Pedro na sa umaga nalang siya maghahanap ng Ibong Adarna at natulog siya. Habang tulog siya, dumapo ang Ibong Adarna sa Piedras Platas at kumanta ito ng pitong awit. Sa bawat awit, ang Ibong Adarna ay nagpalit ng kanyang balahibo. Pagkatapos nitong kumanta, lagi siyang nagbabawas at natutulog. Napatakan si Don Pedro ng tae at siya’y naging bato.

Mga makabuluhang sipi:
63
Latag na ang kadiliman,
Ang langit kung masayan man, (Pagsasatao)
Ang lungkot sa kabundukan
Kay Don Pedro’y pumapatay. (Pagsasatao/Metapora)

79
Sa masamang kapalaran
Si Don Pedro’y napatakan
biglang naging batong-buhay
sa punong kinasandalan. (Naging bato si Don Pedro)

Mga gabay na tanong:
Nahanap ba ni Don Pedro ang Ibong Adarna?
Namatay ba si Don Pedro?

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s