Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 29- Masaya ang Buhay

Pumayag na ang hari’t arsobispo na magpakasal sina Don Juan at Donya Maria. Si Leonora naman ay maikakasal kay Don Pedro. Pumili naman si Don Fernando ng kanyang kapalit upang ipuno ang Berbanya, at pinili niya si Don Juan. Ngunit, sinabi ni Donya Maria na mamumuno sila ng ibang reyno kaya binbigay nalang kay Don Pedro ang korona’t setro. Si Leonora naman ang reyna ng Berbanya. Nang pagdating nina Don Juan at Donya Maria sa kaharian ng de los Cristales, nagdiriwang ang buong bayan ngunit nagtaka ang dalawa, kay wala na ang Hari at ang dalawang kapatid ni Maria. Ang mahika na ginamit sa mga pinarusahan ay nawala at sila ay naging tao muli. Nagkaroon ng pista upang ipaalala ang pamilya ni Donya Maria na wala na. Namatay sina Don Juan at Donya Maria, ngunit hindi pa nagtatapos ang kanilang kabutihan sa kaharian, naaalala pa rin sila ng mga mamamayan. Dito nagtatapos ang ating kwento.

Gabay na tanong:

Bakit kailangan pang kasama ang arsobispo sa pagdesisyon?

Sa tingin mo naging masagana ba ang bayan ng de los Cristales?

Makabuluhang Saknong:

1689

Pinutungan si Don Pedro’t

Nagputang ay Arsobispo,

Ibinigay pati setro

At naghari na sa reyno.

Ito ay nagsisimbolo ng pagpasa ng kapangyarihan na mamuno ng kaharian sa susunod na henerasyon.

1717

Ito na ang siyang wakes

Ng Korido kong sinulat,

Sa kataga kung may linsad

Ang hingi ko ay patawad.

Dito, ang makata ay muli nagpapakumbaba dahil tao lamang siya – hindi niya sinasabi na wasto ang lahat ng naisalaysay niya, ngunit, alam niya na may limitasyon siya, at ito ay isa sa mga ugali ng Pinoy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s