Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 27- Bakas ng Nalimot na Lumipas

Si Donya Maria ay dumating sa kasal gamit ang kanyang mahiwagang singsing- tinupad nito ang lahat ng hiling ng prinsesa. Dumating si Donya Maria sa palasyo nang nakasakay sa karosa. Nakabihis siya bilang isang emperatris. Malaanghel ang itsura niya. Mayroong kasamang  kabayo’t labindalawang kabataang hinila ng hayop. Kasama pa ang anim na kutsero’t lakayong utusan ni Donya Maria. Lahat napatulala sa kanya. Bilang isang tradisyon, pinapigil ang kasal upang parangalan ang dadalo. Isinagawa ito at bilang regalo sa mga magpapakasal, binigyan ni Donya Maria ang madla ng palabas. Nagsitugtugan ang banda, at sumunod ay isang dula na isinagawa ng isang negrito at negrita. Itong dula ay tungkol sa paghihirap na dinaanan ni Donya Maria, at nang tinatanong ng mga nilalang si Don Juan, hindi niya maalala si Donya Maria. Kaya, hinampas ng negrita ang negrito at si Don Juan ang nasaktan. Isinagawa ito ng ilang beses nang hindi talaga maalala ni Don Juan kung sino si Donya Maria. Kaya sa kahulihan, ang tanging naiwan ay isang praskong balot ng pilak na ang nilalaman ay tubig.

Gabay na tanong:

Paano iprinesenta ni Donya Maria ang kanyang sarili?

Ano ang bahagi ng kulturang Pinoy ang ipinakita sa pagtigil ng kasal?

Kung ikaw si Donya Maria, ano ang mararamdaman mo?

Makabuluhang Saknong:

1438

Ang taksil ay magbabayad

Kataksila’y mauutas,

Pag ang tao’y laging duwag

Kakaning-itik ang labas.

Ito ay isang aporsimo – ang taksil ay magbabayad, at matatapos na rin ang kasamaan ng taksil. Kapag ang tao ay laging duwag, parang kakaning-itik nalang labas, mabaho at hindi na tao.

1455

Pinigil muna ang kasal

Sa dadalo’y alang-alang

Ugali ng kamahalang

Panauhi’y parangalan

Ito ay ang sinasabi tungkol sa kultura ng Pinoy – binibigyang halaga ang mga dumadalo sa kasal sa pamamagitan ng pagtigil ng kasal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s