Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 26- Ikakasal Ka Nga Ba?

Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa Ermepolis, isang bayan na kalapit ang Berbanya. Ang nais ni Don Juan ay ipaalam muna sa hari ang kanyang hangad at para makahanda na ng pista ang Berbanya. Subalit tutol si Donya Maria rito; nangako si Don Juan na babalikan niya si Donya Maria at hindi siya lalapit na kahit sinumang babae roon.

            Pagdating sa Berbanya, ang madla ang sumalubong sa kanya, kasama na rito si Leonora. Sinabi na rin ni Leonora ang totoo na si Don Juan ang talagang nagligtas sa kanila ni Donya Juana at ang pagtataksil ng dalawang magkapatid. Hindi makakibo si Don Fernando rito at tinutukan ng buong bayan ang dalawang taksil.

            Pagkatapos ay hinanda na ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora, ngunit nalaman ito ni Donya Maria at nagalit dahil kinalimutan siya ng kanyang sinta. Ikakasal na sina Don Juan at Leonora, kaso hindi pa tapos ang higanti ni Donya Maria.

Gabay na tanong:

Bakit kaya hindi sang-ayon si Donya Maria na iwanan siya ni Don Juan?

Anong klaseng tao si Don Juan nang makalimutan niya ang pangako niya kay Donya Maria?

Bakit ngayon lang sinumbong ni Leonora ang mga

Makabuluhang Saknong:

1392

“Saka laking kababaan

Ang hindi ka parangalan,

Ang Berbanya’y malalagay

Sa hamak na kalagayan.

Ito’y sinabi ni Don Juan kay Donya Maria nang nais niya iwanan siya. Ipinapakita rin dito ang protocol ng Berbanya na mahalaga muna ipaalam sa reyno ang mga bagay na ganito.

1396

“Hinihingi ko sa iyong

Pagdating mo sa palasyo

Iwasan sanang totoo

Sa babae’y makitungo.”

Ito ay tungkol sa sumpa ni Haring Salermo. Ang pag-iwas sa babae ay hinihingi ni Donya Maria, dahil baka tuluyan ni Don Juan na makalimutan si Donya Maria.

1435

Ang pangakong babalikan

Nang araw ding magpaalam

Inabot ng tatlong araw

Pangako’y bulang natunaw.

Ang pangako ay isang bulang natunaw (pagwawangis) sinasabi nitong saknong na hindi natupad ni Don Juan ang pangako niya kay Donya Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s