Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 25- Malayang Umibig

Nalungkot ang prinsesa dahil may iniisip siya subalit kapiling naman niya si Don Juan; marahil masama ang kalagayan ng hari. Pagkatapos, tinawag si Don Juan sa palasyo ni Haring Salermo. Binilinan ng hari ang tagapaghatid ng inpormasyon kay Don Juan na magmadali siya kay dapat daw maisagawa na ang pagpili. Minadali ng dalawa ang pagpunta sa palasyo ni Haring Salermo. Pagsapit ni Don Juan sa palasyo, nakakapagtaka para sa kanya dahil ngunit may karamdaman ang hari, nagsisiyahan pa rin sila roon. Binati ng hari si Don Juan at pinasalamatan niya ito sa lahat ng ginawa niya para sa kaharian. Pinapili si Don Juan sa tatlong daliri – bawat isang daliri ay may nakatagong prinsesa sa loob ng silid, dapat hulaan ni Don Juan ng tumpak. Akala ni Haring Salermo na mahihirapan si Don Juan, bagamat napili niya agad ang daliri ni Donya Maria. Hindi nakakibo ang hari; hindi lamang dahil sa galing ng pagpili ni Don Juan, pero sa kaalaman na mawawala ang isa sa kanyang Tres Marias. Nagbalak ang hari na ipapakasal niya kay Don Juan ang kapatid niya sa Inglatera at kung tumanggi man si Don Juan, kamatayan ang kapalit. Nalaman ni Donya Maria ang masamang plano ng hari at agad ito ipinaalam kay Don Juan. May naisip si Donya Maria – tumakas ang magsintahan at magtungo sila ng Berbanya.

Sa susunod na araw, nabilin ni Donya Maria kay Don Juan na kunin niya ang ikapitong kabayo – ang kabayo na kasimbilis ng ipu-ipo. Ngunit, nakalimutan ito ni Don Juan at nakuha pa ang ikawalong kabayo, ang pinakamabagal. Pag-alis nila ay kaagad-agad na nakahabol ang hari. Narito nalaman ni Donya Maria na nagkamali muli si Don Juan. Naglaglag ng karayom si Donya Maria at ito’y naging tinik. Pagkatapos ay inilaglag niya sa lupa ang kanyang sabon, at naging kabundukan na hindi matawiran. Ngunit, nakahabol pa rin ang hari, kaya inilaglag ni Donya Maria ang kanyang kohe. Ang kohe ay naging malawak na dagat at nawalan na ng pag-asa si Haring Salermo na makahabol. Isinumpa ng hari sa pangalan ng Panginoon na kapag palapit na ang dalawa sa Berbanya, makakalimutan ni Don Juan si Donya Maria at magpapakasal siya sa ibang babae. Pagkatapos nitong pagsumpa, namatay na si Haring Salermo.

Gabay na tanong:

Bakit malungkot si Donya Maria kahit kapiling pa rin si Don Juan? Dahil lang ba na masama ang kalagayan ng hari, o may iba pang dahilan?

Ano ang sinasabi ng pagbigay ng isa pang pagsubok kay Don Juan sa ugali ni Haring Salermo?

Bakit kaya nagkamali si Don Juan sa pagpili ng kabayo at nakalimutan niya ang bilin ni Donya Maria sa kanya?

Ano ang huling hiling ni Haring Salermo sa Diyos?

Makabuluhang Saknong:

1286

Karaniwan ang balita

Sa hindi na maghahaka,

Isipin mo’y talinhaga

Na may lungkot at may tuwa

Ito ay isang aporismo – kadalasan kasi, ang balita, kapag hindi mo na pag-iisipan, ay mahiwaga dahil dala-dala nito ang lungkot o tuwa.

1330

“O, magulang! O, Pag-ibig!

Aling daan ang matuwid?

Ilaw ninyo yaring nais

Sa nadirimlan kong isip.”

Ito ay panawagan at tinutukoy dito si Donya Maria – hindi na alam kung ano ang susundin niya: ang kanyang magulang, o ang kanyang pag-ibig kay Don Juan.

1341

Sa magalit at matuwa

Ano pa ang magagawa?

Tanggapin na ang di tama

Bagaman di siyang nasa.

Sinasabi nitong saknong na kahit magalit o matuwa, hindi na mababago ang mga nagawang pagkakamali, ngunit hindi man hangad na magkamali.

1374

Kabataan, palibhasa

Pag-ibig ay batang-bata,

Sa apoy ng bawat nasa’y

Hinahamak pati luha.

Ito ay isang aporismo – na kapag ang mga bata ay umibig ng unang beses, o makalawa man, dahil sa tindi ng kagustuhan, umiyak man ang magulang wala pa rin silang paki alam.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s