Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 24- Tagisan ng Talino

Ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan sa palasyo ngunit ayaw ni Don Juan manatili roon dahil ayaw niyang sumailalim sa mahika ng hari. Pumayag si Don Juan na sundin ang kahit anong kahilangan ni Haring Salermo. Una, pinakawalan ng hari sa dagat ang labindalawang ita na galing sa prasko. Sinabi ng hari na kailangang maibalik ni Don Juan ang lahat ng ita sa loob ng prasko bago mag-umaga. Sa gabing iyon, nagkita si Don Juan at si Donya Maria. Matapos nilang magsaya, ipinangako ni Maria kay Juan na maibabalik ang mga ita sa prasko. Pinagpahinga na ni Maria si Juan. Pumunta si Maria sa dagat at tinawag ang mga ita. Nanginginig sa takot na nagsibalikan ang mga ita sa loob ng prasko. Inutusan naman ng hari na iurong ni Don Juan ang bundok sa harapan ng palasyo upang makuha niya ang sariwang hangin pagkagising niya sa umaga. Sa tulong ni Maria, naiurong ang bundok. Hiningi naman ng hari na itapon sa dagat ang lupa ng bundok at gumawa ng isang malaking palasyong may matitibay na moog(tower). Nais ng hari ng magkaroon ng magandang lagusan(tunnel) mula sa palasyo real patungong moog na may mga kanyong nakahanay. Pag dating ng susunod na umaga, dahil din sa mahika ni Donya Maria, natupad ang hiningi ng hari. Habang naglalakad sa tabing dagat, sinadyang ihulog ng hari ang kanyang singsing. Inutusan niya si Don Juan na ibalik ito. Hindi nabigo(disapoint) si Don Juan kay Maria. Sa susunod na umaga, sa hapag sa tabi ng kama ng hari, naroon ang singsing na nahulog sa dagat. Ang huling pagsubok na binigay ng hari kay Don Juan na ay dapat paamuin ang kabayo ni Haring Salermo. Sa tulong uli ni Donya Maria, napaamo ni Don Juan ang matapang na kabayo sa paraan na pagpapalo sa kabayo.

Gabay na tanong:

– —  Bakit napakahirap ang mga pagsubok na binigay ni Haring Salermo kay Don Juan?

—

-—  Bakit tinulungan ni Donya Maria si Don Juan?
Makabuluhang sipi

Saknong 1158 : “ Mga alon sa pampangin

kung humalik ay may lambing

bulang sa tabi’y humimpil

mabangong bulaklak ng hasim”

– Sa saknong na ito, pinapakita na kung gaano ka presko ang hangin ng dagat

– Pagsasatao ( Ang alon ay sobrang presko na parang ikinukumpara sa isang halik)

 

Saknong 1277 : “ Haba ngang tinuturuang

magbait ang salanggapang,

palo’t takid sa katawan

parang lintik kung lumatay”

– Itong saknong ay ang punto sa kabanata na sinusubkan iamo ni Don Juan ang kabayo

– Pagtutulad ( Yung palo ni Don Juan sa kabayo ay parang kidlat )

Saknong —  1279 : “Ang kabayo ay nahapo
luha’t laway tumutulo

mga mata ay umamo

mabait nang parang suso”

– Ipinapakita ng kabanata na ito ang resulta na ano nangyari sa kabayo dahil na disiplina na ni Don Juan ang kabayo

– Pagtutulad ( Kinukumpara ang pagod na kabayo sa isang suso na hindi malikot at tahimik )

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s