Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 23- Pagsubok sa Binatang Nagmamahal

Sinabi at kinuwento ni Donya Maria kay Don Juan na ang mga batong nakikita nila ay ang mga dating tao na nanligaw sakanya na naparusahan ng ama niya na si Haring Salermo, kaya pinayo niya ang mga ilang bagay ukol sa wastong paraan ng pagkilala at pagpapakilala sa ama niya. Pagkatapos nito, naghiwalay ang dalawa. Nakita ni Don Juan si Haring Salermo at kinapanayam(interview) niya si Don Juan. Hindi sinunod ni Don Juan ang payo ni Maria at pinagtawanan siya ng buong korte. Dahil dito, binigyan ni Haring Salermo si Don Juan ng malulupit at mga imposimbleng utos, ang utos niya ay tanggalin ang bundok at itanim ang mga trigo na binigay nang hari. Dapat sa umaga , maging tinapay ang trigo at ito ang kakainin nang hari. Sinabi naman ni Donya Maria kay Don Juan na huwag siya mag-aalala dahil siya ay tutulungan niya. Noong ginagawa na ni Don Juan ang utos , malapit na siya sumuko. Ngunit ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika. Ginalaw niya ang bundok at itinanim ang  trigo doon. Sa umaga , nagulat ang hari sa nakita niyang tinapay na kanyang almusal. Sa huli , pumayag din ang hari na magpakasal ang dalawa.
Gabay na tanong : 

Ano ang nangyayari sa mga manliligaw ni Donya Maria ?

Ano ang hamon nang hari kay Don Juan ?

Sino ang tumulong kay Don Juan upang matupad ang utos ?

Mga makabuluhang sipi:
1015
“Sa panagimpa’y natalos,
Naririto ang alindog,
Talang wala nang paglubog
Ito’y anak mo pong irog.”

– Dito ang panahon kung kailan nakilala ni Don Juan si Donya Maria

-Pagwawangis (Ikinumpara ang anak o si Donya Maria sa tala )

1022
“ Trigong ito’y iyong dalhin
Pag-ingatan mong magaling
Huwag mawalan, ni sambutil
At pakinggan ang gagawin”

– Sa saknong na ito, ipinapaliwanag ni Haring Salermo kay Don Juan na dapat ingatan ang trigo.

-Pagmamalabis ( Imposible naman na kahit isang trigo ay di mahulog sa kanyang liit )
1023

“Iyang bundok na mataas

Tibagin mo’t nang mapatag

Diyan mo nga ikakalat

Itong trigong aking hawak.”

– Sa saknong na ito, ipinapaliwanag uli ni Haring Salermo ang pagsubok niya kay Don Juan na dapat ihulog ang bundok at ikakalat ang trigo.

-Pagmamalabis ( Imposible na mapatumba ang isang bundok sa isang gabi lamang )

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s