Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 2- Ang Kaharian ng Berbanya

May talto silang anak – Panganay na mainam ang postura(Don Pedro), Ang pangalawang anak na kalmado’t mahinhin(Don Diego), at ang minamahal nilang mutya na ubod din ng liyag(Don Juan).
Pinapili sila ni Haring Fernando na kung ang nasa nila ang maglingkod sa bayan (maging hari) or magpari, at lahat sila ay hangad maging hari. Kaya, nagpasya si Don Fernando na ipag-aral sila at ipasanay rin maghawak ng sandata.
Isang gabi, nagkaroon ng isang panaganip Si Don Fernando na si Don Juan ay pinagtaksilan ng dalawang iba. Siya ay pinatay at tinapon sa isang balon. Dahil doon, pagakagising niya, mayroon siyang matinding pagkalungkot. 

Dahil dito, nanghina siya parang lumalapit sa kanyang kamatayan. Kahit ang mediko na pinatawag ni Don Fernando ay hindi makapagsabi kung ano ang sanhi ng kanyang sakit. Naging malungkot ang lahat ng mga tao sa Berbanya, lalo na si Donya Valeriana at ang kanyang mga anak. Isang araw, dumating ang isang matandang manggagamot. Sinabi ito na ang dahilan ng kanyang sakit ay isang masamang panaginip. Sinabi rin niya na kailangan marinig ni Don Fernando ang pag-awit ng Ibong Adarna. Mahahanap nila ito sa punong Piedras Platas sa Bundok Tabor. Sa umaga at araw, ito ay umaalis upang maghanap ng pagkain. Bumabalik ito sa Piedras Platas sa gabi upang matulog. Pagkarinig ni Don Fernando ito, inutusan niya si Don Pedro, ang panganay niyang anak upang hulihin ang Ibong Adarna.

Mga makabuluhang sipi:
19
May paniwala ang ama
na di nagyo’t hari siya,
maging mangmang man ang bunga
sa kutya ay ligtas sila (Hinihiwalay ng hari ang kanyang pagiging hari at pagiging ama.) 

20
Alam niyang itong tao
kahit puno’t maginoo
kapag hungkag din ang ulo
batong agnas sa palasyo. (Aporismo ito, kahit prinsipe ka man, kung wala naman laman ang utak, tila naliligaw na bato lamang sa palasyo.)

23
“Yamang ngayo’y panahon nang
kayong tatlo’y tumagal,
mili kayo sa dalawa:
magpari of magkorona?” (Tinanong ni Don Fernando ang mga anak kung gusto nilang maging pari or hari.)

41
“May isang ibong maganda
ang pangalan ay Adarna,
pag narinig mong kumanta
sa sakit ay giginhawa. (Sinabi ng matandang manggagamot na ang kanta ng Ibong Adarna ang gignhawa sa sakit ng hari.)

Mga gabay na tanong:
Tanong: Kumusta ang Berbanya?
Sino ang mga tauhan sa Berbanya?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s