Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 14- Walang Dambuhalang Kalaban

Nakita ni Don Juan ang isang palasyong yari sa ginto. Nakakita rin siya ng isang babae na ubod ng ganda sa palasyo. Siya ay si Donya Juana, isang prinsesang na parang isang rosas sa ganda. Agad na pinuri ni Don Juan si Juana at ipinakilala niya ang sarili niya. Humingi si Donya Juana ng tulong kay Juan dahil mayroong isang sakdal-lupit na higante na nagbabantay sa kanya. Sinabi ni Don Juan na huwag dapat mag-aalala si Donya Juana dahil siya na raw ang bahala si higante at hindi siya natatakot. Nakipaglaban si Don Juan sa higante noong dumating siya dahil inaglahi niya si Juana. Nilabanan niya ito sa isang matinding away, at nanalo si Juan sa tulong ng Diyos.

Aalis na sana sila, ngunit humingi ng tulong muli si Juana kay Juan dahil kinailangan niyang tulungan ang kapatid niyang si Leonora na mayroong nagbabantay na pitong ulong serpyente sa kanya. Sabi ni Don Juan na tutulungan niya muli si Juana at ililigtas niya si Leonora.

Mga gabay na tanong:
Anong klaseng babae si Donya Juana?
Anong klaseng tao si Don Juan kapag mayroong babae?

Makabuluhang sipi:
565
“Anong tamis ng mamatay
kung lugod ng minamahal!
Anong saklap ng mabuhay
kung duwag na tuturingan!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s