Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Haring Fernando

Sino siya?

–         Hari ng Berbanya

–         Asawa ni Donya Valeriana

–         May tatlong anak – Pedro, Diego, at Juan

–         Mabuting hari, ang bayan ay naging masagana dahil sa kanya.

–         Mabuting ama, pinapalaki ng maayos ang kanyang mga anak.

Ang Panaginip:

Nanaginip ang hari na si Don Juan ay pagtataksilan ng dalawang tao, pagkatapos ay ihuhulog ang katawan niya sa isang balon upang hindi na makita siya. Nagising ang hari na may lungkot, at ang buong Berbanya ay halos hindi na alam kung ano gagawin. Buti na lang, may nahanap silang mediko na nagsabi na ang tanging lunas sa sakit na iyan ay ang pagkanta ng Ibong Adarna. Agad ng Hari pinaalis si Don Pedro, sumunod ay si Diego, at sa wakas, si Don Juan.

Dahil sa pagtaksil ng magkakapatid, naiwan si Don Juan at pag-abang sa magkakapatid, natakot ang hari dahil nagkatotoo na nawala talaga si Don Juan. At nang ayaw kumanta ang Ibong Adarna, lumala ang kalagayan ng hari.

Dumating si Don Juan sa palasyo, at sinumbong ng Ibong Adarna sa hari ang lahat na nangyari. Karapat-dapat na bigyan ng parusa sina Don Pedro’t Diego, ngunit ayaw ni Don Juan ito.

Mahal na mahal ng hari ang Ibong Adarna. Ngunit, nang pinakawalan nina Don Pedro ang ibon at sabay tumakas si Don Juan, agad niyang inutusan ang magkakapatid na haanpin si Don Juan.

Galing sa Armenya:

Natanaw ng hari sina Don Pedro at Don Diego nang malayo. Ngunit, nagtaka siya dahil sa pagbalik nila nawawala si Don Juan. Binbigyan ng hari ng permiso na magpakasal si Don diego at si Donya Juana, ngunit pinakinggan niya ang hiling ni Leonora na mabuhay ng mag-isa sa loob ng pitong taon dahil sa panata ng prinsesa sa Diyos.

Galing sa de los Cristales:

Dumating si Don Juan at nagsiyahan ang reyno. Inihanda na ng hari ang kasal nina Leonora at Don Juan pagkatapos ni Leonorang sabihin ang katotohanan. Dumating si Donya Maria at nagkagulo. Naalala ni Don Juan na mahal niya si donya Maria at dahil dito, hiingan niya ang hari na pakasalan niya si Donya Maria. Ang hari naman ay tumugon sa arsobispo para sa hatol. Tutol ang arsobispo dito at nagalit si donya Maria: hinulog niya ang tubig na nasa loob ng prasko at nagkaroon ng gunaw. Dahil dito, pumayag na rin ang hari na magpakasal sila. Pinasa na rin niya ang korona’t setro kay Pedro dahil sina Don Juan ay may ibang kahariang imumuno.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s