Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Paglipad ng Ating Adarna (About Me)

Ang mga kadalasang tinatanong:

Ano?

Ang Ibong Adarna ay isang sikat at paboritong korido na nagpapakita ng katapangan, karangalan, pagmamahal, pagtatagumpay, at kagitingan. Itong kuwento ay hindi tiyak kung saan man galing, kay halos lahat ng bansa ay mayroong sariling salin ng Ibong Adarna.

Bakit Ibong Adarna ang pangalan ng kuwento, eh si Don Juan naman ang bida?

Pag-isipan niyo, kung wala ang Ibong Adarna, walang daloy ng kuwento. Sino ang naging panimula sa tatlong paglalakbay ni Don Juan? Ang Ibong Adarna, hindi ba?

Kaya ano pa ang dahilan kung bakit pa babasahin ang ibong adarna, ano ang nakakaiba rito?

Dahil ito ay para sa mga PILIPINO! Bawat patak ng ating kultura ay nakikita rito, at sinalin natin ito upang maging isang maayos na kuwentong Pilipino na nagpapahayag ng ating kultura at mga paniniwala. Dahil sa kultura’t relihiyon na nasingit dito, mas maiintindihan natin at mas makakaugnay tayo sa mga pangyayari. Ngunit, may isa tayong nakakalimutan – ito ay isang korido; kaya, puno ito ng MAHIKA.

Bukod sa kulturang Pilipino, ano pa ang makikita natin dito?

Makikita natin ang paglakbay ng isang tao – simula bata hanggang matanda. At kasama rin nito ay ang mga aporismo’t mga pagkakamali ni Don Juan bilang isang tao, at ang mga masasarap na tagumpay niya.

Tulong! Hindi ko maintindihan ang mga salitang ginamit si Ibong Adarna.

Huwag mag-alala, puntahan mo ang bahagi na “Talasalitaan”.

Oh tapos, ano naman ang nais niyong ipahayag?

Ang nais namin ipahayag ay ang Ibong Adarna ay isang libro na ubod ng ganda. Hindi lamang sa kuwento mismo ang ganda, pero ang pagbuo ng mga taludtod ay ang talagang mutya rito sa ating minamahal na korido.

Gawa ni:

Fitzroy Sy

Miguel Macale

Vincent Soliven

Eldric Carreon

Gonzalo Lee

Matthew Tuazon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s