Isang WordPress site tungkol sa Ibong Adarna

Kabanata 28- Nagbalik na Alaala ng Pag-ibig

Nagalit si Donya Maria dahil hindi pa rin maalala ni Don Juan kung sino siya. Sa laki ng galit, tinakot niya ang kaharian na babasagin niya ang prasko upang magkaroon ng gunaw sa buong kaharian. Ngunit bumalik na ang mga alaala ni Don Juan at niyakap nito si Donya Maria. Nagpaumanhin siya sa ginawa niyang sala. Si Leonora naman ay nagsalaysay ng kanyang paghihirap at paghihintay ng pitong taon para kay Don Juan. Isinalaysay na rin ni Donya Maria ang mas mahirap na dinaanan niya para lamang kay Don Juan. Samantala si Don Juan ay nagsabi kay Donya Maria na siya lamang ang minamahal niya habang buhay. Nakaisip pa si Don Juan na ihandog na lang si Leonora kay Pedro para matapos na ang away nila. Hiningan ng hari ang hatol ng arsobispo, at sabi nito ay matutuloy ang kasal nina Don Juan at Leonora. Nagalit si Donya Maria at binuhos niya ang laman na tubig sa loob ng prasko at nagkaroon ng gunaw. Nagmakaawa si Don Juan kay Donya Maria na itigil ito dahil siya lamang ang minamahal ni Don Juan at mas ikinabubuti kung kay Pedro nalang si Leonora. Sa huli pinasalamatan niya si Leonora dahil iniligtas niya si Don Juan sa kamatayan.

Gabay na tanong:

Sa tingin mo ba tama ang ginawa ni Don Juan na yakapin si Donya Maria sa harap ng mga tao?

Bakit hindi natuloy ang paggunaw ng Berbanya?

Sa tingin mo sino ang tama? Ang pagsinta, o ang hatol ng simbahan?

Paano ni Leonora nagawang “buhayin” si Don Juan?

Makabuluhang Saknong:

1585

“Akong tuna yang may sala

Kung sa aki’y may galit pa,

Patawarin ako, sinta’t

Ulitin ko ay hindi na.”

Dito nangangako muli si Don Juan na hindi na niya gagawin ulit ang pagtaksil. Ipinapakita rin nitong saknong na inaamin ni Don Juan na nagkasala siya at nanghihingi siya ng tawad dito.

 

1619

“Ano po ang magagawa

Ng babae ay mahina?

Haring mahal ay maawa

Sa buhay kong kulang-pala.”

Pinapakita nito ang kahinaan ng babae at ang pagmamaliit sa mga babae ng panahong iyon.

1633

“Haring mahal, ipatawad

Sabihin kong itong batas,

Kung minsan po’y nabubulag

Sa paghatol ng di tumpak.”

Ito ay isang aporismo – minsan, lagi tayo sumusunod sa batas. Ngunit, may mga pagkakataon na hindi tama ang batas, at ang akalahi’y hustiya’y hindi tama.

1661

“Utos ito ng simbahan

At batas ng Kalangitan,

Ang una’y may karapatan

Sa pag-ibig ni Don Juan.”

Ito ay ipinapakita na may kapangyarihan na makialam at makiusisa ang simbahan sa mga gawaing tulad sa pagkasal ng mga monarko. At ayon dito, ang batas daw ng Diyos ay ang una ang nararapat sa pag-ibig ng isang tao.

1678

“Leonora, iyong abutin

Ang singing mong nasa akin,

Salamat ko’y sapin-sapi’t

Ako’y iyong binuhay rin.”

Ang tinutukoy na pagbuhay nito ay dalawang bagay: ang pagbigay ng determinasyon na kunin ang singsing at umakyat sa balon, at ang pag-utos sa lobo na gamutin ang mga sugat at pasa niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.